Sabado, Marso 12, 2011

BAKIT BA TINAMAAN NG MAGALING?

Hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng "tinamaan ng magaling" pero pag nagagalit sa akin ang tatay ko, lagi nyang sinisigaw "
TINAMAAN KA TALAGA NG MAGALING!"


hindi ko alam kung papuri yon o insulto pero ganun pa man, tinamaan daw ako.
Ano ba yung "MAGALING"? pwera na lang sa totong ibig sabihin nito pag ginamit mo sa totoong sentence ah, ano kaya? hmmm...


bahala na si batman! umiyak ka man ng bato, wala pa rin epekto yan kasi kahit tatay ko hindi nya alam yung ibig sabihin talaga ngtinamaan ng magaling! kung sino o kung ano man ang tumama sa akin.... aray? hahaha


 ikaw! sa tingin mo....tinamaan ka rin ba ng magaling?

Miyerkules, Marso 9, 2011

ANO (na) ANG NANGYARE SA AKIN?


May umaalis, may bumabalik, may ibang naiiwan na doon, may iba naman hindi nakakarating... anong sense?

malapit na ako sa finish line, dati excited akong mag umpisa.... handang handa, sabi ko pa, sigurado una ako dito. Dumaan ang mahabang lakaran, suyuran, ga-putik na daan, matataas na hagndanan, malalim na karagatan, malulubak na kalye, masisikip na eskenita... narating ko na ang huling sakayan.

Habang pinupukol ako ng mga hiwaga na hindi ko pa nakikita, unti unting nawawala yung excitement. napapalitan ng kaba na baka sa susunod na bato, ay matamaan ako ng bagay na magpapabagsak sa akin. Pero sa kabutihang palad, nandito pa din ako, kahit paluhod nang sumusugod, para lang mahawakan ang tali na nagbabadya ng katapusan.

Ang buhay ko ay isang triathlon.

una TAKBO.

takbo sa daanan na madaling baybayin, maayos, patag at may direksyon. Punong puno pa ako ng lakas...

Ikalawa LANGOY.

natutuwa sa tampisaw ng tubigdagat, para bang first time makaswimming. pero unti unti nang nauubos ang lakas.

Ang huli.. BISEKLETA.

kaagapay ang lakas ng binti, unti tunting pinepedal ang hirap ng buhay. dinadaanan lahat ng kabukbukan ng kapalaran. pero habang palapit ng palapit sa finish line, unti unting nawawala ang lakas, nauubos ang enerhiya, minsan hindi kayang abisuhin ng pagisip sa inspirasyong inaasam.... BUMABAGAL.. TUMITITGIL.BUMABAGSAK.

Pero sa laban na to, matira ang matibay. SA DULO PA BA AKO SUSUKO?

walang masamang huminto... magpahinga.....

Ngayon, unti- unti... mararating ko na ang finish line.

PERO.... ang mahirap sa larong na ito.....

sa karerang tinatawag na " buhay"....


sa FINISH LINE palang talaga NAGUUMPISA ang TUNAY na KARERA