malapit na ako sa finish line, dati excited akong mag umpisa.... handang handa, sabi ko pa, sigurado una ako dito. Dumaan ang mahabang lakaran, suyuran, ga-putik na daan, matataas na hagndanan, malalim na karagatan, malulubak na kalye, masisikip na eskenita... narating ko na ang huling sakayan.
Habang pinupukol ako ng mga hiwaga na hindi ko pa nakikita, unti unting nawawala yung excitement. napapalitan ng kaba na baka sa susunod na bato, ay matamaan ako ng bagay na magpapabagsak sa akin. Pero sa kabutihang palad, nandito pa din ako, kahit paluhod nang sumusugod, para lang mahawakan ang tali na nagbabadya ng katapusan.
Ang buhay ko ay isang triathlon.
una TAKBO.
takbo sa daanan na madaling baybayin, maayos, patag at may direksyon. Punong puno pa ako ng lakas...
Ikalawa LANGOY.
natutuwa sa tampisaw ng tubigdagat, para bang first time makaswimming. pero unti unti nang nauubos ang lakas.
Ang huli.. BISEKLETA.
kaagapay ang lakas ng binti, unti tunting pinepedal ang hirap ng buhay. dinadaanan lahat ng kabukbukan ng kapalaran. pero habang palapit ng palapit sa finish line, unti unting nawawala ang lakas, nauubos ang enerhiya, minsan hindi kayang abisuhin ng pagisip sa inspirasyong inaasam.... BUMABAGAL.. TUMITITGIL.BUMABAGSAK.
Pero sa laban na to, matira ang matibay. SA DULO PA BA AKO SUSUKO?
walang masamang huminto... magpahinga.....
Ngayon, unti- unti... mararating ko na ang finish line.
PERO.... ang mahirap sa larong na ito.....
sa karerang tinatawag na " buhay"....
sa FINISH LINE palang talaga NAGUUMPISA ang TUNAY na KARERA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento